Accounts Cleaning
Originally posted on Multiply on Jul 18, ‘10 6:34 AM (according to their own timestamp). Wala lang. Wala akong magawa ngayon so magde-delete ako ng accounts na hindi ko naman ginagamit.1. Yidio Hindi ko alam kung ano ang meron at mayroon akong account dito. Siguro trip kong manood ng mga movies kaya ako naparito at gumawa ng account. Anyway, bye bye, dahil ikaw ang una kong tinanggal (at naging rason kung bakit ko sinusulat ngayon ang blog na ito).
2. ProjectColt Beta Eng’g Web Site Buburahin ko sana, kaso mukhang wala na akong data sa database nila (hindi na ako maka-log-in). Naging test user ako ng site na ito noong nag-OJT ako nung summer. So iyan, menos trabaho.
3. Weebly Gusto kong gumawa ng sarili kong site. Kaso, ngayong marunong na akong mag-PHP at madali (kahit papaanong) makahanap ng free web hosting service (plus wala akong masyadong interes gumawa ng web site ngayon dahil may mga blogs naman ako), hindi ko na siya kailangan. So, sayonara, weebly.
So mukhang iyan muna ngayon ang mga accounts na tatanggalin ko. Baka isunod ko ang Friendster at Crunchyroll. Pero hindi muna ngayon.
EDIT: Mayroong nadagdag pa na isa.
4. Sourceforge Gusto ko noong mag-develop ng isang open-source project. Kaso, mukhang yung account ko lang ang nanatiling open, kaya ito isasara ko na.
Comments
None.