Yahoo! account deleted

Posted on: 16 Jul 2012 05:19:53 PST
Categories: Abandoned Archives Multiply Web sites
Tags: abandoned_accounts

Originally posted on Multiply on Jul 18, ‘10 6:34 AM, according to their timestamp.Sa wakas! Na-delete din ang [pesteng] Yahoo! account.

Pero kung tutuusin, may sentimental value iyong account na iyon, kasi yun yung pinakauna kong account sa Internet. Ginawa rin iyon ng pinsan ko para sa akin nung incoming first year high school pa lang ako. (Bobo pa ako sa computers noon.)

Bakit ko nga ba siya tuluyang tinanggal?

1. Google Oo, dahil sa Google. Iyan ang pinakamatimbang na rason. Mayroon din akong Gmail account.

2. Mabagal ang Yahoo! Mail. Aminado ako na medyo speed freak ako. Sabihin na natin, “mabagal rin naman ang Gmail mag-load a?!” Pero mas mabagal ang Yahoo. Pasensya na, wala akong Internet connection na sarili ngayon, so sa mga cheap net shops dito sa UPD ako nagne-net. Olats ang computer, at minsan pati connection. Nakakaasar kaya na dahil bubuksan mo lang ang Yahoo! mail account mo ay magla-lag na ang browser, to the point na minsan kailangang i-reset ang computer. Isa pa, masyadong overkill ang Yahoo! sa paggamit ng AJAX. Which brings me to the next point.

3. Yahoo! Mail suffers from Featuritis. Pamilyar ang terminong ito sa mga programmers at developers. Para sa akin, sobrang dami ng features ng Yahoo! mail, na majority naman ay hindi ginagamit, much less kinakailangan. Isang halimbawa ay yung “applications sidebar” nila. Hindi ko naman ginagamit iyon (maliban siguro sa drop.io, pero hindi ko ina-access yun via Yahoo!, deretso sa browser ko iyon (kasi mayroon akong account doon)). Duhh, e yung homepage pa lang nila ay ang dami nang ka-epalan na nalalaman. Which brings me to the next point.

4. Yahoo! Mail is very complex. Siguro mapapailing ang marami dito. Ang ibig sabihin ko ng complex ay iyong opposite ng simple. Take Google. Simple na ang homepage, pinasimple pang lalo to the point na naiisip ko palagi na pag magse-search ako, dapat hindi lumitaw iyong ibang objects (na lumilitaw kapag nagalaw ang mouse, or other things). Clever use of JavaScript, I would say. Ganoon din ang Gmail. Simple ang interface. Ang focus ay sa mail organization. Sabihin na natin na marami rin silang idinadagdag na features. Pero most of the time pwedeng i-dismiss. Take Buzz for example. Although nandoon siya, hindi ko siya ginagamit. Best of all, pwede siyang i-hide. I like simplicity. Period.

5. Gmail is good for searching mails. Sabihin na nating biased ako, kasi search ang ikinabubuhay ng Google. And that’s precisely one of the major points kung bakit ako nag-switch sa Gmail. Aminado ako, hindi ako nagbabasa madalas ng mail. Plus, may subscriptions ako na nasa 3000+ na siguro na hindi ko ginagalaw. Pero kampante ako na pede ko siyang i-mine for specific keywords and phrases. (Sa mga hindi nakakaalam ng data mining, o kahit simpleng data searching, paki-Google na lang po.)

6. I prefer ‘labels’, not ‘folders’. Actually, labels ang isa sa mga ‘pointless’ things na nakita ko sa Gmail nung una ko itong na-encounter. Pero sa ngayon, sobrang gamit na gamit ko siya na mas maganda pa siyang pang-organize kaysa sa folders. Pinaka-gusto ko ang feature nila na a message can have more than one label. Sabi ko nga kanina, marami akong mga mensaheng hindi nababasa. Napaka-useful niya na pang-organize (automatically o manually) ng messages. Plus, pwedeng i-delete ang label agad-agad, hindi tulad sa Yahoo! mail na kailangang walang laman ang folder bago i-delete. Napaka-convenient. Ang nagustuhan ko talaga sa labels ay yung search by labels feature. Hindi tulad ng sa Yahoo na kapag nag-search ka ay buong Yahoo mail ang hahanapan niya. Oo, mayroong categories afterwards, pero sayang sa resources kung ang hinahanap mong mensahe ay nasa Spam folder lang pala ang gusto mong match. Sa Gmail, punta ka lang sa label na gusto mo then search. Tapos.

7. User-friendliness of Gmail vs. Yahoo! mail. Ito na naman po tayo sa user-friendliness. Before proceeding, lilinawin ko lang na ITO ANG EXPERIENCE KO. Opinyon lang po ito at hindi isang fact. Sabi nga nila, YMMV. Para sa akin, ok ang draggable interface ng Gmail: drag messages to labels, hide and show labels via DND (drag and drop), delete messages via DND
 name it. Tapos, may shadow pa siya kapag nag-drag ka ng object. Simpleng bagay, pero efficient. Isa sa mga features ng Yahoo mail ay yung ‘double search box’. Nakakainis talaga iyon. Madalas, kapag gusto mong mag-search sa mails mo ay pupunta ka sa Yahoo global search engine. Tapos magtataka ka na lang kung bakit nasa Yahoo search page ka na. Tapos mare-realize mo na mali pala iyon, so click back button then try the other one. Kaso kung mabagal ang connection mo, o olats comp mo, good luck sa iyo. Buti pa sa Gmail. Isa lang ang search box, tapos may dalawang PROMINENT SELF-EXPLANATORY buttons na katabi: search mail, search the web. Isa ang search box. Dalawang buttons. At by default, sa mail mo siya maghahanap. Simple and elegant/ Sa tingin niyo, simpleng bagay. Pero iyan ang isa sa mga simpleng bagay na nagustuhan ko sa kanya. Very handy ito lalo na kapag naghahanap ka by label. At gamit na gamit ko siya.

8. Localization. Nakakatuwa ang localization ng Gmail, kasi kahit papaano matino ang translators. Siyempre, minsan may mga fail pa rin, pero hindi siya kasing-fail ng Plurk sa translations (e.g., Sign-out button: Umalis sa pagkakalagda) at Facebook (Sign out: lumisan.) (Google: mag-sign-out). Hindi lang ako sa translations natuwa, kung hindi sa paraan niya ng localization. May menu lang sa settings area kung saan pwede siyang i-access. Samantalang sa Yahoo!, magpapalit din ang iyong email address, so kung dati ay something@yahoo.com ang email mo, kung gusto mong palitan sa Filipino ang wika mo, magiging something@yahoo.com.ph na ang address mo. At magtataka ka kung bakit wala kang na-receive na message na importante dahil sa something@yahoo.com pala ipinadala ng sender iyon, na dapat sa something@yahoo.com.ph pala. Very inconvenient. (Sa Gmail, hindi ganito.)

So ito muna ang naiisip ko na mga dahilan kung bakit mas gusto ko ang Gmail kaysa sa Yahoo, at kung bakit ko kinansela ang aking account doon. Note: ito ang aking experience.

Sa mga makakabasa nito na Yahoo account ko lang ang alam, ito ang aking address ng Gmail: newuser.novice.amateur@gmail.com.

It’s been nice knowing you, ardlexworld_90@yahoo.com.


Comments

None.

Want to comment? Send an email.