Today's Insights
Ngayon ko na kahit papaano naiintindihan kung bakit may sariling opisina ang mga matataas na tao, at kung bakit madalas itong enclosed o kung hindi naman ay nasa isang tahimik na sulok.
Ang hirap din palang may masyadong malapit sa iyo, na sa sobrang lapit ay hindi na marunong dumistansya. Ang hirap kasi lahat na lang ay irereklamo sa iyo, tapos minsan pa ay ipagduduldulan pa ang pagkakamali mo.
Siguro nga ganyan talaga sa opisina. Kaya sigurosurvival of the fittestdin kasi sobra-sobra angpressure. At kaya siguro nagagawa rin ng mga tao ang tulad nito dahil sa sobrang pagod at kaepalan ng mga katrabaho’t trabaho nila.
Isa sa mga ayaw ko ay yung mga taong mahilig mang-circumvent ng authority. Nakakainis kasi kaya nga may protocols ay para sundin. Nakakainis lang kung hindi marunong sumunod ang mga tao rito. Tapos samahan mo pa ng pagiging sobrang makulit at masungit. Nakakainis talaga.
Pero mukhang ganun talaga ang buhay: maraming epal at marami ring nagpapa-epal. Nakakainis lang na may mga nakakasalamuha akong ganoon.
Hay, buhay.
Comments
None.