Baguette
Breadtalk: kilalang panaderya ng mga (pa-)sosyal. Masarap naman ang mga tinda nila, kaso nga lang, mukhang lightyears ang layo ng presyo ng mga tinapay na tinda ng, halimbawa, Julie’s Bakeshop kumpara sa kanila. (Sabagay, para nga naman sa mga (pa-)sosyal, kaya kailangan mahal.)Isa rin naman ako sa mga kahit papaano’y masasabing fan ng Breadtalk. Hindi ako sosyal (malamang, hindi rin pasosyal), ngunit gusto ko rin naman talaga ang mga produkto nila. Kaya pag na-tripan at may pera naman kahit papaano, sige lang, kain, basta hindi lalagpas sa isang daan.
Isa sa mga kinatutuwaan kong produkto nila ay ang baguette. Natutuwa ako sa laki’t tigas ng tinapay na ito. (Sa mga green-minded at bading, layas! Huwag kayong epal.)
Bumili ako nito kahapon, at natuwa naman sa presyo dahil mukhang nagmura siya. (Mukha lang naman, dahil mahal pa rin ito, tulad ng iba nilang tinda.) Ayon sa aking plastic ruler, nasa humigit-kumulang 24” ito (mas mahaba sa sinasabi ng Wikipedia na standard size), at tulad ng alam na natin, matigas.
Ayan, may panghampas na ako sa epal kong roommate. ₱55 lang. Only from Breadtalk.
Comments
None.