GMA News: Ewan ko sa iyo
Kanina ko lang narinig, at kanina ko lang din napanood. Ang bagong kinababaliwan ngayon ng bansang Pilipinas ay ang report ng GMA News (hindi ko kayo ili-link) nang nakaraang gabi.
Ang istorya: may lumusong na kotse sa baha, nagalit ang nagmamaneho, at sinisi ang MMDA pagkatapos tulungang makaahon. At dinildil ng reporter na siya ang may kasalanan.
Napag-alamang UP Law student si Christopher Lao, ang driver ng nasabing kotse.
Ganoon naging kapopular ang balita’t naikalat na ito sa Twitter (daw), Facebook at YouTube, maliban pa siguro sa ibang social networking sites at blogs tulad nito. Naging popular din ang paglait sa kanya ng kapwa niya Pilipino (at siguro, mangilan-ngilang mga foreigner na nakakaintindi ng wikang Filipino).
Ito naman ang take ko: ano naman?
Ganoon na ba talaga ka-bored ang mga tao sa Pilipinas na pati ito’y kailangang patulan?
Maaari nating masabi na swerte ang news crew dahil napadaan lang daw sila nang makita ang “breaking news” na ito. Really, breaking news? Astig.
Kung tutuusin, may punto naman si Christopher Lao sa mga sinabi niya.
- I should have been informed. Taray ni kuya, future perfect tense. Ang hirap kasi sa Pilipinas ay wala tayong matinong flood control systems para magbigay-impormasyon sa mga tao patungkol sa mga flood-prone areas ng ating bansang naliligiran ng tubig.
- Hindi naglagay ng roadblock ang MMDA. Tama nga naman. Mukha rin namang walang sign sa kalyeng iyon patungkol sa lalim ng baha. At tsaka mukha naman talagang hindi malalim kung titingnan mo lang. (Epekto iyan ng tubig.)
- MMDA ang may kasalanan. Sumasang-ayon ako rito, hindi dahil sa napalusong siya sa baha ngunit dahil sa mga baradong estero at kanal sa kalakhang Maynila. Antagal nang problema iyan, pero parang hanggang ngayon wala pa ring sulusyon.
Para sa akin, ang kasalanan lang ni Mr. Lao ay dahil medyo arogante siyang magsalita (iyong tipong may pagkakamali siyang ayaw niyang aminin), at siguro maaari na rin nating idagdag ang kamalasang napadaan ang news crew ng GMA doon (kasi mas malaki ang probability na hindi mapupunta sa YouTube o makikita ng buong bansa ang kalokohang ito kung wala ang midya roong mukhang naghahanap ng maibabalita).In a way, hindi natin masisisi si Mr. Lao sa kanyang arrogant attitude, dahil ganyan talaga ang disposisyon ng mga law students/graduates. Tingnan mo na lang ang mga pulitiko ng bansa: kapag nagkakamali, nakikipag-away sa mga taong nagbulgar ng kamalian. Kaya huwag na rin tayong magtaka sa attitude niya; given na iyon.
At sa mga nanlalait: may kasalanan din kayo, dahil kung hindi kayo nagtatapon lang basta-basta ng mga basura sa daan, kahit papaano’y hindi magbabara ang mga estero’t kanal sa Pilipinas, at kung bahain man siguro’y hindi kasing grabe ng idinulot ng nakaraang bagyo.
Ang kinaiinisan ko lang kasi sa balitang ito’y ginawa na naman nilang big deal ang isang isyung maaari sanang nagpakamot na lamang ng ating mga ulo sa pagtataka’t nabaon sa limot kasama ng ibang mga balita’t programa nila.
Kung tutuusin, may kasaysayan na sila sa ganitong bagay, dahil sila rin ang nagpasikat ng balitang nasa ibaba.
(Pasensiya na sa video; mukhang ito na lang talaga ang nasa YouTube.)
BTW, mayroon din silang sikat na singer.
Maliban sa mga OA nilang reporters, mayroon pa silang sikat na kaanib.
Ito, may potensiyal ding sumali sa GMA news (natuto ata kay Fajatin):
Sabagay, kung tutuusi’y kailangan nila ng ganitong mga balita, kasi nga naman, marami silang kaaway sa ratings tulad ng ABS-CBN at TV5. At siyempre, kung sinong mas mataas ang ratings, siyang mas dadayuhin ng mga advertisers, at mas maraming advertisers, mas maraming pera.
Para sa kapatid kong BS Journ ngayon: huwag mo silang gayahin. Iyong mga reporters, hindi iyong mga nire-report.
Comments
None.