UPCAT

Posted on: 05 Aug 2011 09:56:54 PST
Categories: Dedications Events
Tags: University of the Philippines University of the Philippines College Admission Test UPCAT

[img 404]
Image via Wikipedia

Ang UP (Unibersidad ng Pilipinas sa Filipino, University of the Philippines sa Ingles, Universitas Philippinarum sa Latin, at Unibersidad ti Pilipinas sa Ilokano) ang nag-iisang national university ng Pilipinas. Ito ang rurok ng edukasyong Pilipino (siyempre, hindi sang-ayon ang Ateneo, La Salle, at lalo na ang UST na mahilig makiepal dahil mayroon daw big four, at sila iyong pang-apat (, at ang kaibigan kong galing MIT (Mapua Institute of Technology) na CE ngayon dito), kaya naman isang karangalan (lalo na kung mahirap lang ang pamilya niyo) ang makapag-aral dito. Medyo madali ring makahanap ng trabaho ang mga mag-aaral ng nasabing unibersidad (dahil mismong mga kumpanya ang lumalapit dito at naghahanap ng mapipirata), at kadalasaā€™y matatagumpay ang mga taong nag-aral dito sa kani-kanilang mga career(s). At ang UPCAT (anong ibig sabihin nito?) ay ang isa sa mga daan (ano pa ang iba?), at ang pinaka-glorified na paraan, upang makapag-aral sa unibersidad (bakit?).Simula na ng UPCAT bukas, at itoā€™y gaganapin mula Sabado hanggang Linggo sa ibaā€™t ibang parte ng Pilipinas. At isa itong kalbaryo sa mga estudyante, dahil mahirap talagang makapasok (lalo na kung sa flagship campus mo balak mag-aral (ano iyon?)). Isang beses lang din maaaring kunin ang nasabing pagsusulit.

Ang payo ko sa mga kukuha ng exam bukas: huwag itong masyadong seryosohin.

Siyempre, marami agad ang magsasabing ā€œang yabang mo naman; porkeā€™t nakapasok ka langā€ at ng iba pang mga panlilibak gaya nito sa akin. Ngunit tulad nga ng sinabi ng propesor ko noong nakaraang taon, madali lang ang UPCAT, at ang isyu talaga ay kung tatagal ka rito o hindi.

Tama naman, ā€˜di ba? Hindi ko sinasabing madali ang UPCAT (dahil akoā€™y nahirapan din at hindi minamaliit ang UPCAT). Ang punto ritoā€™y kung tatagal ka ba rito ng apat hanggang anim na taon (wala pang MRR diyan) sa kursong iyong napili.

Ang hindi alam ng marami, hindi lahat ng tao sa UP ay matatalino. Isa iyang logical fallacy na kung tawagiā€™y hasty generalization. Siyempre, hindi naman ata tama ang argumentong ito:

Puro mahihirap ang nag-aaral sa PUP, kasi ā‚±12 lang ang tuition lang nila roon, at halos lahat ng mga kakilala ko na nag-aral dito ay puro salat sa buhay.

Malamang, magagalit ang mga taga-PUP dito. (Sa mga taga-PUP, kamusta po, at pasensya na sa ehemplong ito.)Ganoon din ang sa UP. Oo, in general, maraming matatalino rito (kasi the fact na pumasa ka ng UP, ibig sabihiā€™y may potensiyal ka), ngunit hindi ibig sabihiā€™y matalino na kaming lahat na nandito. Ako, aminadong sinuwerte lang na makapasok at makapag-aral dito, at hindi pa naman ako ganoon ka-conceited upang ipagyabang ang sarili ko bilang matalino dahil alam kong mas marami pang mas matalino sa akin, tulad ni Mikaela Fudolig ng Physics at Kevin Atienza ng Computer Science. Siguro marami lang alam, ngunit iba ang matalino sa maraming alam. (Kung alam mo kung bakit, malaki-laki na ang tsansa mong makapasa bukas o sa susunod na araw.)

To emphasize: maraming estudyante rito ang nagshi-shift, nade-delay, nagda-drop, nakakakuha ng INC/4.0/5.0, at lumilipat palabas ng ibang eskuwelahan. Mayroon ding nae-expel, at mayroong hindi na talaga nakaka-graduate.

Kumbinsido ka na ba?

At isipin mo: limang oras lang ang pagsusulit (at ilang buwang paghihintay para makita ang resulta), samantalang apat hanggang anim na taon ang gugugulin mo rito para lang matapos mo ang kurso mo. Minimum pa iyon, at assuming na hindi ka maglo-LOA, magshi-shift, made-delay dahil may prereq kang na-singko, at iba pang mga bagay na magpapatagal pang lalo sa stay mo. At marami sila, at ganoon din ka-common.

Kung hindi ka pa rin kumbinsido, prangkahan na: maaaring hindi ka talaga makapasa bukas, o kung makapasa ka maā€™y hindi tatagal.

Note na hindi ko naman sinasabing maliitin niyo ang UPCAT, dahil katulad nga ng naisulat kanina, hindi minamaliit ang UPCAT. Maliitin mo na ang ibang exams (NCAE, DOST, etc.), huwag lang ang UPCAT. Ang punto ko lang naman, hindi katapusan ng buhay mo kung hindi ka makapasa, kasi puwede ka namang mag-transfer o kaya mag-cross reg kung gusto mo talagang makapag-aral dito. Tandaang hindi lahat ng successful na tao ay galing ng UP, at hindi rin naman guaranteed na magiging matagumpay ka sa iyong larangan dahil nakapasaā€™t nakapag-aral ka sa UP, dahil ikaw pa rin ang gagawa niyan (wala pa namang makinang naimbento na kayang lumikom at maglipat ng talino).

Bilang pagtatapos, bibigyan ko ng last minute pointers ang mga kukuha ng pagsusulit bukas at sa Linggo (hindi ito espesyal na pormula para makapasa; mga gasgas na tips ang mga ito na maaaring narinig pa ninyo sa mga nanay na excited masyadong pag-eksaminin ang mga anak nila, o ā€˜di kayaā€™y nakasulat sa inyong mga test permits):

  1. Magbasa-basa ng ilang mga libro o mga akda para bukas. Kumbaga, mind refresher. Hindi ko sinasabing mag-cram ka; kung ngayon ka pa lang nag-aaral para bukas, sinasabi ko sa iyong almost zero ang tsansa mong makapasa bukas. Parang periodical exam: hindi umuubra palagi ang cramming.
  2. Matulog nang maaga. Bawal ang late sa test center, at siyempre nakakahiya ring dumating ng late no. Kung makapal talaga ang mukha mong magpa-late, huwag kang magreklamo kung hindi ka nakapasa. Kasalanan mo iyon.
  3. Magdala ng pagkain para sa exam. Bawal lumabas sa test center, kaya kakain ka talaga habang nage-exam. Normal lang yun; lahat naman tayo nagugutom. Huwag mo lang ipagyabang na chicken curry ang ulam mo, tulad ng ginagawa mo sa elementarya o high school. Dapat nga mga biskwet o candy lang ang baon mo. In short, kumain ka, huwag lang magpa-epal.
  4. Huminahon. Walang nagagawa ang nerbyos sa mga exams. Alam na dapat natin iyon.
  5. Huwag mandaya. ā€˜Di bale nang hindi ka nakapasa sa malinis na paraan, kaysa naman Oblation scholar ka nga pero nangodigo ka naman. Sinasabi ko sa iyo, hindi ka tatagal, at kapag nahuli ka, mapapahiya ka lang.
  6. Huwag taasan ang expectation(s). Hindi porkeā€™t galing ka ng PhiSci ay pasado ka na (though pansin ko lang tambakan ng PhiSci ang UPD). Kung ganyan lang din ang attitude mo, good luck na lang kapag hindi ka nakapasa.
  7. Isiping hindi sa UPCAT nagtatapos ang problema ng isang iskolar ng bayan. Napakaraming problema pang kakaharapin mo pagpasok ng UP: mula sa mahahabang pila hanggang sa pagdedesisyon kung magda-drop ka ba ng asignatura o hindi.

Para sa mga mage-exam, good luck sa inyo, at sanaā€™y napagaan ko kahit papaano ang inyong loob. Gawin niyo lang ang best niyo, at bahala na kung papasa o hindi. (Muli, huwag maliitin ang UPCAT).Kung hindi mo pa rin naintindihan ang paskil kong ito, huwag ka nang umasang papasa ka.


Comments

None.

Want to comment? Send an email.