Midpoint

Posted on: 15 Jan 2012 PST

Ang wala, gustong magkaroon; Ang mayroon, gustong mawalan:

Ang bata, gustong tumanda. Ang matanda, gustong bumata.

Ang maitim, gustong pumuti. Ang maputi, gustong umitim.

Ang pangit, gumaganda sa hinaharap. Ang maganda, pumapangit.

Ang mukhang masungit, madalas mabait. Ang mukhang mabait, madalas masungit.

Ang mga hayop, nagpapakatao. Ang mga tao, nagpapakahayop.

Kapag walang bisyo, gustong magkaroon. Ang may bisyo, gustong huminto.

Ang walang ginagawa, gustong may magawa. Kapag binigyan, biglang tinatamad.

Ang walang trabaho, gustong magkaroon. Ang may trabaho, ayaw magtrabaho.

Ang Pilipino, gustong mangibang-bayan. Ang nasa ibang bayan, gustong bumalik.

Ang may problema, gustong managinip. Ang binabangungot, gustong magising.

Ang sikat, ayaw mapansin. Ang hindi, nagpapasikat.

Mga OSY, gustong mag-aral. Mga mag-aaral, gustong mag-OSY.

Ang anak-mahirap, madalas matalino. Ang anak-mayaman, madalas bobo.

Ang baog, gustong gumawa. Ang hindi, ayaw gumawa.

Ang walang anak, gustong magluwal. Ang mayroon, naduduwal sa mga anak.

Ang mahirap, maraming anak. Ang mayaman, walang anak.

Ang may damit, naghuhubad. Ang hubad, nagdadamit.

Ang mali, tinatama. Ang tama, minamali.

Ang kalbo, nagpapahaba ng buhok. Ang mahaba ang buhok, nagpapakalbo.

Ang noon, gusto sa ngayon. Ang ngayon, gusto ng noon.

Ang tuyo, binabasa. Ang basa, pinapatuyo.

Ang naiinitan, gustong malamigan. Ang nilalamig, gustong mainitan.

Ang mainit, pinapalamig. Ang malamig, pinapainit.

Kapag winter, gusto ng summer. Kapag summer, gusto ng winter.

Ang babae, nagpapakalalake. Ang lalaki, nagpapakababae.

Ang nasa baba, umaakyat. Ang nasa taas, bumababa.

Ang salat, gusto sa pera. Ang sagana, ayaw sa pera.

Ang hindi UP, gustong makapasok. Ang mga pasok, ayaw sa UP.

Ang mga wala, gusto ng Facebook. Ang mayroon, ayaw sa Facebook.

Ang wala, gustong magka-blog. Ang mayroon, tinatamad mag-post.

[Walang mayroon; mayroong wala.]

Want to comment? Send an email.