Sinusumpa Kita
Posted on: 16 Sep 2026 PST
Original language:
Filipino
Tags:
sinasamba kita
rey valera
song_spoof
[Berso 1]
Sinusumpa kita
Higit sa ‘yong akalang minumuhi lang kita
Ang galit ko sa ‘yo’y higit sa buhay kong taglay
Wala na yatang papantay
Ang buhay mo’y sisikwatin ko pa
Sinusumpa kita
[Koro]
Kung anumang dahila’y hindi mahalaga
Basta’t sinusumpa kita
Sadyang pagkainis ang s’yang nadarama
[Bago ng Berso 2]
Paano ba maipipinta
Kulang ang balarila
Upang mailarawan ka, kupal, ah
[Berso 2]
Sinusumpa kita
Kung kasalanan man sa Diyos ang sumpain kita
Dapat bang katakutan ang guni-guni ng ulo?
Naniniwala sa multo
Kaya nananatili s’yang bobo
Sinusumpa kita
[Ulitin ang koro, 2x]
[Pagtatapos]
La-la-la, la-la-la, oh-oh-oh
Mukha mo’y kasumpa-sumpa!
Author's note:
- Sing along the tune of Sinasamba Kita🗃 by Rey Valera
