May Loan Ako
[Verse 1]
Tuwing may sahod, binabagabag
Laging bungad na pangungusap:
Kailan daw ako mag-iintrega
Bakit daw ang liit-liit pa?
Ano raw ang mali sa akin
At tila ba ang hirap humingi
Malaki naman ang sahod
Pero ba’t hindi nag-aalok?
[Chorus]
May loan ako; lubog na sa utang
May loan ako nang dahil sa magulang
Kailangan daw sila ay galante
‘Pagkat walang maipagmamalaki
May loan ako, baon sa utang, oh
May loan ako.
[Verse 2]
Kailangan daw kasing angasan
Ang mahihirap na kababayan
Ipamukha: gamit at damit
Pandirihan: lahat ng yagit
Ang kinakatakutan:
Sila raw ay maungusan
Mahilig sa payabangan
Ng yamang aking pinaghirapan
[Bridge]
Sa ‘ming pamilya, ako la’ng nag-iisang
May trabaho; lahat sila’y tambay
Hindi maaaring hindi magbigay
Isusumbat: utang na loob mo’y nasaan?!
[Chorus, lines 1-4, 2x]
[Chorus lines 1-5]
Ako’y walang karamay
At nag-iisa sa buhay
Sa mata nila ako ay isang
Aliping mapeperahan
May loan ako habang buhay.
Author's note: