Mga Nakakatuwang Bagay
Posted to Multiply on Sep 8, ‘09 7:58 PM.Magandang gabi, Pilipinas! Andito nanaman ako, manggugulo ng buhay. _______________ Grabe yung mga naririnig ko kay Kuya D*n. Wala lang. Natutuwa ako. Marami kasi siyang kinukwento sa amin na nakakatuwa. Wala lang. Basta natatawa ako.
_______________ Tulad na lamang ng isa: “Magaling na ako mag-program, kasi marunong na ako ng HTML!” (sabay killer smile and confidence na tipong nakaka-tempt barilin) Grabe naman. E di paano pa kaming mga marurunong gumawa ng C, Java, Python, Ruby, Perl, Scheme, at Prolog programs? (at mga lenggwahe pa sa tabi-tabi) E paano pa kaya yung mga Assembly at COBOL programmers jan?
Ok pa sana diba kung kahit Pascal o BASIC pa yan (Visual BASIC at the worst), pero HTML? Programming language ba yun? E markup language lang yan a? Pati nga XML e. Di bale sana kung JavaScript, mag-a-agree pa ako. E HTML? Kahit XHTML pa yan, o CSS. Pwede pa siguro Ajax.
Tapos, gawa pa sa DreamWeaver yung HTML code. Hay. Mga newbs nga naman.
_______________ Masaya malait ng school. Lalo na kung yung iba ang nilalait mo (siyempre naman, ang tangerks mu naman kung sa iyo yung lalaitin mu), at alam mu na yung nilalait mo e karapat-dapat laitin. For example, yung mga jokes tulad ng:
DLSU = Di Lumusot Sa UPCAT PUP = mas magaling daw sa UP kasi dalawa ang P
at iba pa. At yung mga pauso ni kuya D*n about AMA. Anlakas kasi mag-advertise ng AMA e. Kaya tuloy, kala ng tao e sila ang leading sa Comp Sci. (E IT lang naman yun kung tutuusin. (Without prejudice to ITs, of course.)) Naalala ko tuloy nung kasal ng pinsan ko. Tinanong ako ng isang pinsan ng mama ko kung saan ako nag-aaral. Sabi ko naman, UP. E anong course, tanong nya. Comp Sci po, sagot ko naman. Tapos, biglang itinugon: Bakit hindi ka nag-AMA?
Huhhhh? Anu daw?
E di hamak namang mas matino sa UP e.
Sabi nga ni kuya D*n, nilalait-lait lang daw ng kapatid nya (na nasa AMA ngayon sa Comp Sci) yung mga profs nila dun. Ambobobo daw kasi. Ni hindi daw marunong mag-english. Basta. Yun ang mga kwento niya sa amin.
At saka raw mayroon siyang naka-chat. Taga-AMA. Pabirong sinabi ni kuya D*n na bulok naman daw ang AMA pagdating sa Comp Sci. E nagtaray ang epal nyang kausap. Pinagyabang na nangunguna daw sa robotics ang AMA. Talo daw UP.
E hindi naman parte ng Comp Sci yun dito, diba? Oo, may AI dept ang CS. Pero hindi naman talaga dedicated sa robotics yun e. (I think, nasa College of Science ang robotics research, hindi sa Comp Sci dept.)
At tsaka parang napaka-short-sighted naman nun. Kasi kung tutuusin, hindi posible ang robots pag walang AI. O kahit operating systems na real-time (soft man o hard).
Well, anyway, bahala na sila sa mga buhay nila. Basta, Comp Sci != IT, and robotics != comp sci.
________________ Naalala ku tuloy ang isang joke tungkol sa !=. (Sa mga hindi nakakaalam (haha, hindi nya alam! Joke lang.), ang basa diyan ay “Not Equals”.) Nakalimutan ko na ang specifics. Pero, mayroon kasing kinakausap ang isang tao sa chat, tapos na-note nya na may ginamit na maling word yung isang chatter. So ginamit nya yung != to make a point. Pero sabi nung na-correct, typo daw yun. “You should put a space between the ! and = signs.”
Duhh talaga.
________________ Alam nyo na ba yung “error of error”? Ito yun:
[img 404](Actually, may mas nakakatuwa pa diyan. Di ko lang mahanap.)
_______________ Nasubukan ko nang pumunta sa SM Paramount (SM North o SM West, depende sa pagtatanungan) nang opening hours. Grabe. Habang naglalakad ako sa hallway, di ko maiwasang mapansin ang mga computers dun na nagbo-boot pa lang. Grabe. Makikita mo, Windows XP ang gamit nila.
Natutuwa ako kasi hindi dahil sa MS byproduct (tae?) ang gamit nilang OS, pero dahil nga sa Windows ang gamit nilang OS. Grabe. Mga widescreen pa naman yung mga yun. Ganun sa Annex at sa mga sinehan na may LCD screens sa labas.
Grabe. Ansaya sigurong makakita ng BSoD dun. (Sa mga hindi nakakaalam, BSoD = Blue Screen of Death. Grabe, hindi mu pa alam yun? E trademark ng MS yan a? May copyright na nga sila dun e. Bawal manggaya…)
________________ Sige, yan na muna ang blog ko ngayong araw. (Wala na rin akong pera… How poor naman ako.) ‘Til next time! :-)
________________ Basic Prolog grammar:
functor_name(ident_list) :- functor_list functor_list -> fuctor_name(ident_list) ident_list -> identifier | identifier, ident_list |
Multiply comments
| | edit delete reply thegenuisishere wrote on Sep 14, ‘09 grabe naman nagsulat nito…sino ba yun? :) | |—|—|
| [img 404] | delete reply mitzikoeiwie wrote on Sep 10, ‘09 sige na, ikaw na techie. haha. | |—|—|
Comments
None.