Ang CS at ang MP

Posted on: 30 Nov 2012 15:07:28 PST
Categories: Archives Multiply UP Life
Tags: filler

Posted to Multiply on Sep 9, ‘09 7:23 PM.Hayz…

Grabe. Mangangalahati nanaman ang Septyembre.

Grabe talaga.

Pati deadline ng MP lumalapit na rin.

Anu nga ba ang MP?

Sabi ng mga hindi Comp Sci, MP is “Malikhaing Pagsulat”. Yung tipong sinusulat mo kapag emo ka, o sadyang walang magawa sa buhay. Yung tipong pwede mung itapon pagkatapos. O di naman e mapupwersa kang gawin kasi required ng prof mu.

Yun ung tipong nilalagay sa “Formal Theme” (pag Ingles) o sa Tagalog version nya na… anu na nga un… basta yung green. Yung tipong pinaghirapan mung isulat (kasi nga naman, epal ang teacher at pati yun required), tapos dudumihan ng red ng prof (kasi nga tsine-tsek daw) at ipapaulit sa iyo. O pag sinuswerte ka, manu-manong copy-paste ang gagawin mu sa next page (na intended as a copy in case na may errors ang original).

O kung hindi man formal theme, pwede rin itong essay, computerized version lang. Mahilig ang mga nagsi-CW 10 dito (pati erotic writers, mahilig din. Kung anu man yung kinahihiligan nila, only God knows.).

Kaya naman madalas napagkakamalan na kapag sinabi mung MP sa isang common tao (na hindi Comp Sci) na ito ay isang patapon na composition lamang, na tipong hindi masyadong pinagtutuunan nang pansin.

Actually, may katotohanan naman. Maraming similarities ang outsider-MP sa compsci-MP:

1. Required itong gawin. Kasi nga naman, pag hindi ka nag-pass ng MP, pwede kang ma-5. Kahit na 20% lang ito ng total grade, pag wala ka nito, maaari kang ma-INC. Mayroon ding mga profs (actually, depende sa subject) na may policy na “No MP, no exam.” So, kailangan nga naman siyang i-cram (kung talagang wala ka nang oras). Pero hindi mu siya pwedeng dayain: ung tipong copy-paste tapos bago-bago ng variable names, function or method names, move ng blocks dito at dun, delete ng “epal” portions. Kasi nang dahil sa University of California’s Measure of Software Similarity (MoSS), na-dedetect ang mga ito. (Actually, isa siyang program na given two programs ay nagde-determine kung ilang percent ang similarity nila. So, pag mataas nga namanang percentage of similarity, mataas rin ang probability na plagiarized ang codes o nagkopyahan sila.) Kapag napag-alaman na nandaya a, lagot ka: SDT ka agad. (Student Disciplinary Tribunal, para sa mga hindi nakakaalam.) Or worse, you can be expelled.

2. Sinusulat mu siya kapag emo ka, o walang magawa sa buhay. Actually, siguro out of necessity talaga, kaya maski emo ka sinusulat mo ito. Syempre, kailangan mu ng free time. Duhh.

3. Pwede mo siyang itapon pagkatapos. Lalo na kung alam mung crap ang program na ginawa mu (kasi nga, deadline na bukas at ngayon ka lang gumawa (Ouch!)). Lalo na kapag Assembly ang language ng code mu. Grabe lang.

4. Computerized siya. Alangan.

5. Required ang print-out ng source code, maliban pa sa soft copy na ibibigay mu sa prof mu (pati ang compiled version, if possible). Grabe, sayang sa ink yun at papel. Imagine printing a 700-line code, font size 8, font Arial (o kahit anung maliit na sans-serif, basta hindi Palatino Script, Palace Script, o Arial Narrow), .5” margins. E aabutin pa rin ng 15+ pages yun. May comments pa sa code syempre. Lalo na kapag Java at required ang javadocs. Tipong dahil lang sa comments, ang 500-line mung program ay madaling aabot sa 1000 ang haba.

6. Other prerequisites. Kung ang outsider-MP ay pwedeng i-pass na walang folder (as in kung pwde print lang sa isang papel na pamunas ng pwit), sa compsci-MP hindi pwede yun. Kung ayaw ng prof mu ng e-mail submission, anjan ang burn-it-all-to-cd, print-it-all, submit in a brown envelope all the above, pa-sign mu sa prof sa logbook (kasi may minus 10 per day late), at kung anu-ano pa. Minsam mayroon pang demo.

So grabe din ang buhay ng isang Comp Sci. Pero ok lang, kasi pagkatapos naman nito, madali na lang sa industry.

Sinong nagsabing mahirap mag-program ng mga common na programs diyan?

Unless siguro na OS na ang ginagawa mu (o AV software, Adobe suite, o kung anu-ano pa jan na malalaki), madali lang ang programming sa industry. E paano ba naman, simple lang ang demands ng mga common users: pampalit ng screensaver, pampabilis ng download, pang-leech ng mga bagay-bagay, post-it-notes.

Mas mahirap pa nga ang MP namin kung tutuusin. Tulad ngayon, Prolog interpreter ang MP. Katatapos lang ng scheduler simulator.

Hayz. Makagawa na nga.


Comments

None.

Want to comment? Send an email.