Magandang gawain habang papalapit ang eleksiyon

Posted on: 30 Nov 2012 14:51:08 PST
Categories: Archives Multiply
Tags: troll walang kwenta

Posted to Multiply on Feb 10, ‘10 1:47 PM.

Sa mga tambay diyan: (totoong buhay, Digital World or mga cyberloafers tulad ko)

Kung gusto nyong may gawin maliban sa pag-review ng source code ng PCOS machine (o sumama sa mga source code reviewers na nire-recruit ni Doc Mana), maaari ninyong sundin ang simpleng task na ibibigay ko!

Hmmnn… Lahat naman siguro tayo ay may Facebook accounts. At kung napansin nyo naman siguro, ay may ilan tayong mga kandidato sa pagka-presidente ang may ads sa Facebook (or fans ata iyon; mamatay na sila).

Dahil alam naman natin na ang spam ay masama, maaari nating gawin ang mga sumusunod para mabawasan ang spam sa Facebook:

  1. Maghanap ng ad(s) ng mga kandidato sa pagkapresidente ngayong 2010.

  2. Makikita sa imahe na mayroong maliit na ‘x’ button. I-click ito.

  3. May lilitaw na dialog box na magpa-prompt sa inyo kung gusto ninyong tanggalin ang ad na iyon. Sa dialog box, mapapansin na may drop-down list na may nakasulat.

  4. Piliin lamang ang mga sumusunod sa drop-down list:

a. Mapanlinlang

b. Nakakainsulto/nakakasama

O di kaya’y pwede rin ang “Iba Pa” at maglagay ng kumento tulad ng “Walang kwenta”, “spam” o “porn”.

  1. I-click ang “Okay” button.

Iyan! Nabawasan na ang spam, nakagawa ka pa ng mabuti para sa bayan! Nawala pa ang boredom mo. Congratulations!


Comments

None.

Want to comment? Send an email.