Conditional Morality
Noong nakaraang Miyerkules (Nob 14, 2012), nagbabasa lamang ako ng kung anu-ano sa aking Facebook feed habang nakikinig kay Parry Gripp nang may lumitaw na nakakaintrigang paskil. Binasa ko ang description na binigay ng orihinal na nagpaskil, at minabuting huwag nang panoorin ang video na tinutukoy niya. Ilang minuto ang lumipas, ngunit hindi pa rin ito mawala sa aking isipan kaya pinanood ko rin, hindi iyong orihinal kundi iyong bersyon na nasa YouTube na ipinamahagi ng pinsan ko. At medyo umangat ang blood pressure ko.
Ito ang nasabing video, na naging viral nang araw na rin iyon (ipinaalam sa akin ng DZMM sa aking Facebook feed).
Sino nga naman ang hindi iinit ang dugo sa unang tingin? Lalo na kapag galit ka sa isang iskandalosang ingliserang mukhang ewan. ‘Yung feeling niya ang ganda ganda niya’t siya ang may-ari ng LRT.
Kaya nakisali rin ako sa uso: ibinahagi ko ang video na nabanggit, at sinundan ang ilang shorts sa Internet patungkol dito. Makikita na nga rin ito sa memegenerator.net. At tuluyang namayagpag ang insidente sa interwebz.
Maraming nanlait (kasama ako), at mayroon ring nakisimpatiya, sa babaeng butangera. Nagkaroon ng sandamakmak na moral debates sa comments section ng iba’t ibang websites na naglakas-loob na i-cover ang nangyari. Sa aking Facebook feed, ito ang naging kontribusyon ko (maliban sa pagtulong sa pagpapakalat ng video):
May bago na namang victim ng cyberbullying. This time, she deserves it.(Well, deserved din naman ni Sotto yung nangyari sa kanya. Epal kasi.)
Ito rin ang panahong masarap siyang kantahan nito:
Makalipas ang ilang araw, biglang nagbago ang ihip ng hangin; nagsimulang maglabasan ang mga paskil tulad nito:
So on one corner we’ve got people judging the “liar” girl, and on the other there are people judging the people judging the girl. Let’s all judge each other! Haha
Sa puntong ito, hindi ko na masyadong pinapansin si amalayer, pero noong nabasa ko ang ilang paskil na tulad noon, hindi ko maialis sa akin na mainis sa mga taong sumusuporta kay amalayer. Para bagang kinukunsinti pa nila iyong epal na iskandalosa.Pero naisip ko bigla ang konsepto ng conditional morality, at naging neutral ang posisyon ko.
Hindi ko na mahanap kung saan ko unang nabasa ang konseptong ito; hindi ko rin sigurado kung ito ba talaga iyong term na ginamit doon. Pero kumbaga parang ganito ang pagkakaintindi ko sa kanya:
May mga kaugaliang nagiging acceptable o hindi depende sa sitwasyon.
Halimbawa nito ay iyon ngang nagyari sa LRT noong nakaraang Miyerkules.Naalala ko tuloy ang isa pang kanta ni Parry Gripp:
They say at playing the fool Everyone must take a turn But when the spotlight lands on you It burns, oh how it burns You never learn…
Bale ano ang punto ng paskil na ito? Kung tutuusin, hindi ko rin alam; siguro nga kailangan ko lang ng maipapaskil para sa araw na ito. Pero siguro ito na lang ang masasabi ko sa isyung ito: kalimutan na natin si amalayer; tutal, nasira naman na natin ang kanyang buhay at imahe. Baka nga hindi na niya makuha ang kanyang pangarap na maging DJ. Marami na rin naman nang nangungonsensya sa mga naninira. Tsaka kung tutuusin nagmumukha tayong tanga sa harap ng mundo dahil mga balitang pang-tabloid ang sumisikat sa bansa natin.Siguro nga, by nature tsismoso’t sandamakmak ang free time ng mga Pilipino, kasi kung tutuusin ay benign pa ito kumpara sa isang palabas sa TV5, kung saan nag-aaway ang mga magkakapitbahay sa harap ng camera. Tapos may lawyer, pari at counselor pa kunwari, at may host pa! Ang taas siguro ng ratings nila’t malaking pera ang nahahakot ng TV5, kasi hanggang ngayon nasa ere pa rin ang napakawalang-kwentang palabas na ito.
Oo, ito ang tinutukoy ko. At ito ang isang episode ng palabas na iyon.
Related articles
- Amalayer - Paula Jamie Salvosa (rightonthemark.wordpress.com)
- AMALAYER - LRT Scandal video review (4yourinformation.net)
- PAULA JAMIE SALVOSA aka ‘AMALAYER’ : BIGLANG SIKAT SA KABAGRASAN! (aliwanavenue.wordpress.com)
Comments
None.