日の単語: フィリピン語
Posted on: 25 Sep 2011 07:24:39 PST
Categories:
Series
日の単語
Tags:
nichi no tango
word for the day
日の単語
Noong una, inalam natin kung ano ang tawag ng mga Hapon sa kanilang wika (at ito ay 日本語). Ngayon naman ay aalamin natin kung ano ang tawag nila sa wika natin.
Kanji: フィリピン語 Hiragana: ふぃりぴんご Katakana: フィリピンゴ Romaji: firipingo Pagbigkas: http://translate.google.com/#auto | tl | %E3%83%95%E3%82%A3%E3%83%AA%E3%83%94%E3%83%B3%E8%AA%9E |
Kahulugan: tawag ng mga Hapon sa wika ng Pilipinas.
Halimbawa: フィリピン語は僕の言葉です。 Salin: Filipino ang salita ko.
Trivia: Maraming wika sa Pilipinas. Oo, mga wika iyan, at hindi dayalekto. Isa pang trivia: sa totoo lang, dalawang salita iyan: フィリピン at 語. Sa mga susunod na paskil, aalamin natin kung bakit ganyan. Isa pang trivia: Naka-katakana talaga ang フィリピン. Wala talaga siyang kanji. Sa mga susunod na paskil, aalamin natin kung bakit ganyan, at kung ano ang meron sa katakana.
Comments
None.