日の単語: 日本

Posted on: 24 Sep 2011 12:13:42 PST
Categories: Series 日の単語
Tags: にっぽん にほん Japan nichi no tango nihon word for the day 日の単語 日本

[img 404]
Image via Wikipedia

Una sa lahat, pasensya na sa sobrang late na paskil. Ngayon lang po ako nagkaroon ng oras para mag-blog (at nagkaroon ng interes na i-update ang series na ito. Ayoko naman din kasing magsulat kung wala ako sa mood.).Ngayong alam na natin ang tawag ng mga Hapon sa wika nila, aalamin naman natin ang tawag nila sa bansa nila.

Kanji: 日本 Hiragana: にほん,っぽんKatakana: ニホン, ニッポンRomaji: nihon, nipponPagbigkas: http://translate.google.com/#en ja Japan

Kahulugan: tawag ng mga Hapon sa bansa nila

Halimbawa: 私は日本が大好き! Salin: Mahal ko ang Japan!

Trivia: Dalawa ang paraan ng pagbigkas ng salitang 日本: にほん (nihon) at にっぽん (nippon). Depende na lamang sa konteksto kung ano ang ginagamit. Sa halimbawa sa taas, nippon ang ginamit (Watashi wa nippon ga daisuki!). Wala namang kaso kung alin sa dalawa ang iyong dapat gamitin, pero siyempre, iba pa rin ang tama.


Comments

None.

Want to comment? Send an email.