日の単語: Introduksiyon

Posted on: 15 Aug 2011 23:42:08 PST
Categories: Series 日の単語
Tags: Hiragana Japanese language Katakana nichi no tango Nihongo Romanization of Japanese Unicode word for the day 日の単語 日本語

[img 404]
Image via Wikipedia

Dahil mayroon akong kaibigang nais matuto ng Hapon, naisipan kong simulan ang series na ito. Masaya rin naman, kasi ako rin mismo ay nag-aaral ng Nihongo.Ang layunin ng series na ito ay upang mas maging madali sa mga Filipino (sa mga nakakaintindi ng wikang Filipino (pasensya na, Ilokano lang ang iba ko pang alam na wika ng bansa natin)) na mag-aral ng Nihongo sa pamamagitan ng isang salita bawat araw.

Ito lang ang guidelines ko para sa mga magkakainteres basahin ang series na ito:

  1. Hindi ako gaanong bihasa sa Nihongo, kaya huwag niyong isiping flawless ang salin ng mga salita rito. Inaanyayahan ko lahat ng mambabasa na i-verify ang mga salita’t mga pangungusap upang makita at maitama agad ang mga mali. Huwag kayong matakot na laitin ang aking mga pagkakamali; matutuwa pa nga ako’y may matututunan akong bago mula sa inyo. (Siyempre po, huwag naman tayong magmuraha’t magbastusan dito.) Pero siyempre, hindi naman excuse na magpaskil ako rito ng mga mali; katangahan na iyon.
  2. Kung medyo malabo ang entry, bigyan niyo lamang po ako ng heads up sa pamamagitan ng pagkomento sa entry na iyon.
  3. Hindi lang limitado sa mga pangngalan ang mga ibibigay kong salita, ngunit kasama na rin ang mga verbs, adverbs, at iba pa. Pati particles at phrases, isasama ko na rin.
  4. Kailangan mo ng Unicode fonts upang mabasa nang maayos ang bawat entry. Hindi naman kailangang suportado mo ang lahat ng Unicode characters, iyon lang kailangan para mabasa ang blog entry na ito. Kailangan mo ng fonts para sa Hiragana, Katakana, at Kanji.
  5. Patungkol naman sa dalas ng pagpaskil ko rito, susubukan kong maglagay ng mga bagong salita araw-araw, ngunit dahil sa may mga dapat din naman akong gawin sa araw araw, ay hindi ko maipapangako iyon. Pasensiya na po.
  6. Hangga’t maaari, random ang mga salitang lalabas, dahil una, mas madaling mag-isip ng mga salita kapag ganoon, at ikalawa, nakakabagot naman ata kung may pattern. Kung may pattern e di magbilang na lang tayo araw araw: mas madali (dahil madali lang naman ang magbilang sa Nihongo (mas mahirap sa Ruso)) at no-brainer siya. Pero siyempre hindi niyo naman magugustuhan iyon, ‘di ba?

Ang bawat paskil ay may ganitong porma: > # Paunang salita Kanji: <kanji> Hiragana: <hiragana> Katakana: <katakana> Romaji: # Pagbigkas: Kahulugan: Halimbawa: Salin: # Iba pang mga bagay

Ang ibig sabihin ng mga linyang may # ay opsiyonal. Naka-bold ang mga syllable(s) kung nasaan ang stress sa mga salita, at naka-bold din ang salitang tinutukoy sa mga pangungusap. Halimbawa: > Isalin natin ang header ng paskil na ito. Paunawa: Ito ay isang phrase.Kanji: 日の単語 Hiragana: ち の たんご Katakana: チ ノ タンゴ Romaji: nichi no tango Pagbigkas: http://translate.google.com/?js=n&prev=_t&hl=en&ie=UTF-8&layout=2&eotf=1&sl=auto&tl=tl&text=&file=#auto|tl|%E6%97%A5%E3%81%AE%E5%8D%98%E8%AA%9E

Kahulugan: salita ng araw (word for the day)

Halimbawa: 日の単語:日の単語。 Salin: Salita ng araw: word for the day.

Siyanga pala, kung hindi mabasa ang kanji, i-zoom lang ang pahinang ito.Ayan. Sana nagkaintindihan na tayo. At sana makatulong din ako sa mga nag-aaral sa maliit na paraang ito.

Pasubali: Bukas, magpapaskil ako ng totoong word of the day. Abangan.


Comments

None.

Want to comment? Send an email.