MP

Posted on: 21 Aug 2013 PST

Mahaba ang weekend. Epal kasing bagyo. Grabe ang buhos ng ulan. Pati hangin nakikisabay. Kung makabisita lang, parang walang bukas.

Mukhang mahaba ang bakasyon. Pero hindi, may mga dapat gawin. Schoolworks at studies. Internet at “acads”. Tambak din kaya walang pahinga.

Medyo mahabang oras na pwedeng ilaan. Para saan? ang tanong. Oh shoot, may MP nga pala kami. Deadline na next week. Hirap namang balansehin.

Maraming bagay na kailangang gawin. Lalo na ‘yung MP. Sa susunod na linggo na ipapasa. Wala pang nagagawa. Kailangan nang umpisahan.

May pasok na naman bukas. Acads at trabaho na naman. May exam pa bukas. May deliverables sa trabaho. Di na naman magkanda-ugaga.

Sulitin ang long weekend. Dalawang araw lang ang pasok. Pero ang daming gawain. Marami ring responsibilidad. Buti na lang, holiday na naman sa Lunes.

Want to comment? Send an email.