Cooking ng Ina Ko
Posted on: 15 Sep 2024 PST
Original language:
Filipino
Tags:
cooking ng ina ko
song_spoof
parokya ni edgar
masagwa
Dyahe talaga ang luto ng aking ina
Ako’y dehado sa luto ng ina ko
Panis na pancake sa umaga
May buhok ang kape
Talagang aatras
Kasi ubod ng sagwa
Ng cooking ng ina ko
Cooking ng ina ko, oh!
Laging may tapon ang ulam du’n sa bahay
Niluto ng aking inay
Sayang sa gasul, pera, kawali
Pati mga buhay na binigti
Kakaibang mga sangkap
Proseso na pangtamad
Putahe ng ina ko
Putahe ng ina ko
Kayo ay magpaluto
Kung pagduwal ang hilig ninyo
Ako’y lalayas sa amin
Nang huwag makatikim
Ng cooking ng ina ko
Cooking ng ina ko
Mga masagwang pagkain
Cooking ng ina ko
Sa hayop huwag ipakain
Cooking ng ina ko
Cooking ng ina ko
Pambobo~!
Author's note:
- Sing along the tune of Lutong Bahay - Cooking Ng Ina Mo 🗃 by Parokya ni Edgar
- Related verse