Paminsan-minsan

Posted on: 01 May 2024 PST
Original language: Filipino
Tags: paminsan-minsan song_spoof richard reynoso

Paminsan-minsan, naaalala pa rin kita Kahit ngayong mayro’ng sinusuportahang iba T’wing maiisip, ang aking ganid nagbabalik At para bang nariyan ka pa sa aking tabi

Muling nadarama ang yaman mo. Natitikmang muli ang luho ko. Naririnig, sinasambit: ako ay bilhan mo!

Paminsan-minsan, ang alaala mo’y nagbabalik At aamin ko hanggang ngayon ika’y pinipilit. Hinihiling ko na kahit nasa’n ka man… Padalhan mo ako kahit paminsan-minsan lang…

Paminsan-minsan, tinititigan bank statement ko. Unti-unting pumapatak ang luha ko… Pinagsisihan lahat ng aking ‘di nakuha Lalo ikaw nu’ng sa akin ay lumisan…

Kahit ngayong marami kang utang Kahit sinasabing “walang pera!” Sa puso ko ako pa ri’y dapat bigyan mo!

Paminsan-minsan, ang alaala mo’y nagbabalik At aamin ko hanggang ngayon ika’y pinipilit. Hinihiling ko na kahit nasa’n ka man ngayon… Padalhan mo ako kahit paminsan-minsan lang…


Author's note:

Sing along the tune of Paminsan-minsan 🗃 by Richard Reynoso



Want to comment? Send an email.