Sulat para kay LPA

Posted on: 09 Oct 2011 06:39:30 PST
Categories: Dedications Open Letters
Tags: LPA open letter

Note: Ipinaskil ko ito sa Facebook kagabi, Sabado, Oktubre 08, 2011, 23:23 (ayon kay Facebook). Ito ang orihinal na post.

Dear LPA,

Malayo ka pa naman sa Pilipinas, di ba? Alam kong mahilig ka sa tubig, kaya naman sulitin mo na muna ang stay mo riyan.

Pero alam kong hindi ka forever nandiyan, dahil may appointment ka. Ewan ko lang kung saan, basta mayroon. Basically, ikaw lang ang nakakaalam ng itenerary mo.

Sa tingin ko naman, very flexible ang iteneraries ng mga katulad mo. Kaya naman kung ayos lang sa iyo, magbibigay ako ng proposed schedule mo para sa mga susunod na araw:

1. Sa Linggo, ganap ka nang bagyo, papasok sa PAR. 2. Sa Lunes, lalapag ka rito. Pero huwag sana sa mga lugar na dinaanan ni Pedring, kasi sa sobrang inis niya, sinira niya ang mga lugar na iyon. Pero dumaan ka pa rin sa banda ng Maynila, para naman lumamig dito. Siguraduhin mo lang na malalaman ka namin na narito ka na talaga, para naman mapaghandaan namin ng lubos ang iyong pagdating. 3. Sa Martes, palabas ka na ng bansa. Bisita ka na rin siguro sa banda ng Batanes. Wala lang, para maiba naman. 4. Sa Miyerkules, nasa banda ka na ng Taiwan, papuntang China.

Ayun lang. Enjoy your trip.

Nagmamahal, Isang taong maraming exam sa Martes.


Comments

None.

Want to comment? Send an email.