To all new RNs: γγγ§γ¨γοΌ
Kahapon, inilabas na rin ng PRC (sa wakas!) ang resulta ng 2011 Nursing board exam. Marami ang natuwa, at siyempre, mayroon ding mga nalungkot.
Hindi ako BS Nursing student, ngunit isa rin ako sa mga medyo na-excite (na-arouse?) nang mabalitaan kong lumabas na ang resulta, dahil mayroon akong kaibigang BS Nursing. Kaya naman kahit nagco-code ako kahapon, inabangan ko pa rin siya.
Para sa mga hindi pa nakakita kahapon, ito ang website kung saan makikita ang resulta: http://nle-nursingexamresult.blogspot.com/
<In a BS CS perspective>
Ang mga puna ko sa site na ito:
- Ang link ng resulta. Blogspot?! Bakit andiyan?! Hindi ko rin alam, ngunit ewan ko sa PRC. Pero mukhang ito ang opisyal na blog ng PRC. Ewan.
- Ang bano ng layout niyo! Xet lang, nakakainis. Parang hindi pinag-isipan, o designed atang pahirapan ang mambabasa para hanapin ang mga bagay bagay. O baka naman pang-IE lang ito; kung gayon, isara niyo na lang at ipaskil ang resulta sa mga diyaryo, tulad ng ginagawa ng UP sa resulta ng UPCAT. Pa-website website pa kayo, hindi niyo naman alam i-maintain. E mas matino pa ata ang blog na ito kaysa sa inyo.
- Ang bano ng color schemes! Xet lang. Tulad ng nasa itaas.
</In a BS CS prespective>Sa kabila ng isang banong website ng isa umanong credible na organisasyon, para sa lahat ng bagong RNs, ito lang ang masasabi ko: γγγ§γ¨γοΌ Sana pagbutihin niyo ang inyong mga trabaho, at hindi maenganyong kumuha ng lagay o mag-abroad (kailangan namin kayo rito!), o βdi kaya namaβy pagtripan ang isang taong walang malay sa ER dahil sa may canister na nakasuksok ka kanyang puwitan.
Good luck, and God bless sa paghahanap ng mapapasukan. :)
Trivia:
- Ang ibig sabihin ng RN ay Registered Nurse. Kanina ko lang din nalaman; may angal ba?
- Ang ibig sabihin ng γγγ§γ¨γοΌ ay congratulations!. Nihongo iyan. Ngayon mo lang nalaman; umagal ba ako?
- Nakapasa ang kaibigan ko sa eksamen na ito. γγγ§γ¨γγγγ«γγ«γγοΌ (Congratulations, Mr. Bajador!) Yayaman ka na. :)
Comments
None.