Yeng Constantino vs. Kamote Club

Posted on: 27 Jul 2011 13:49:42 PST
Categories: Dedications Videoke Videos
Tags: Hawak Kamay Hawak Kamay parody Hawak Patay ifm Kamote Club Yeng Constantino

Ano kaya ang pakiramdam na babuyin ang iyong kanta ng mga hindi-naman-ganoon-kasikatang mangaawit? Itanong natin kay Yeng Constantino, ang kumanta ng Hawak Kamay, isang sikat na kantang para sa mga bigo sa buhay (o sa pag-ibig).

Ito ang orihinal niyang kanta. (Pasensya na sa video, wala ata talaga itong matinong music video maliban sa mga independent na mahilig manggaya’t manabotahe ng gawa ng iba. At least ito, may liriko, kaya puwedeng mag-sing-along. (Babala: mag-ingat sa mga magaling na kritiko, tulad ko, habang kumakanta ka.))

Ito naman ang bersyon ng Kamote Club, ang inaakusahang bumaboy ng kanta.

Yeng Constantino: ₱50K (siguro) Kamote Club: ₱40K (malay ko) Reaksyon ni Yeng: priceless


Comments

None.

Want to comment? Send an email.