Natural Events ⇒ Kamalasan

Posted on: 26 Jul 2011 06:51:20 PST
Categories: Events Scribbles
Tags: juaning kiss the rain lindol no classes UP ulan

Umuulan sa labas ngayon. Sarap patugtugin ang Kiss The Rain ni Yiruma pampatulog. :)

Pero medyo frustrated ako sa mga natural events na naga(ga)nap ngayong araw. Medyo nakakainis lang ang timing.

  1. LINDOL. Lumindol daw kaninang ala-una ng madaling araw, at naramdaman ito ng iba kong mga kaibigan. At hindi ko ito naramdaman. Tanggap ko pa sana kung tulog ako ng mga oras na iyon, kaso hindi! Nag-i-internet ata ako noon o ginagawa ko iyong last blog entry ko. Ako pa naman yung taong gustong maka-experience ng earthquake habang gising. Sabagay, hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung hindi ko ito naramdaman dahil intensity 4 lang siya rito sa Quezon City. Pero dapat naramdaman ko iyon!
  2. ULAN. Pagkatapos ng lindol kanina, umulan naman. Ayon sa PAGASA, may tropical depression, at sinuspinde ni Chancellor Saloma ang klase mula ala-una ng hapon dahil sa inaasahang matinding pag-ulan (via text message). Nakakainis kasi nasa mood akong mag-lab ng EEE 9, at dahil nabasa ang loob ng sapatos ko. Hindi rin ako makabili ng chips sa Deeco dahil nga umuulan. Uminom pa naman din ako ng kape sa CS Canteen; yun nga lang, sama ng loob sa mga tindera ng kantina ang nagpagising sa akin. (Trivia: Juaning ang pangalan ng topical depression. Bagay…)

Medyo nakakainis din kasi kahapon, mayroon ding natural disaster na nangyari: SONA ni Noynoy kahapon, at nagka-trapik sa Commonwealth papuntang EverGotesco Mall sa Katipunan. Nasubukan ko tuloy tawirin ang nasabing avenue nang hindi oras.###### Related articles


Comments

None.

Want to comment? Send an email.